Insecure sa fake na boobs
Dear Vanezza,
Inggit ako sa boobs ni ate na kahit 20 years old na ay assest nito ang hinaharap niya. Ako ay flat chested eh 17 years old na ako na need ko pa gumamit ng padding. Curious ang isa kong classmate na tinusok ang dibdib ko, nabuking tuloy ako na fake ang boobs ko. Insecure tuloy ako lalo. Ano po ang gagawin ko? - Jane
Dear Jane,
Bata ka pa at may pag-asa pa ma-develop ang hinaharap mo. Huwag intindihin ang sinasabi ng iba. Mag-concentrate muna sa iyong pag-aaral kaysa ma-insecure sa panlabas na anyo mo. Lilipas ang magandang boobs, pero hindi ang magandang kalooban.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest