Trabaho ng immune system

Kahit saan ibaling ang balita ay hindi nawawala ang tungkol sa coronavirus na lalong tumataas ang bilang ng mga namamatay at nahahawaan ng sakit sa iba’t ibang panig ng mundo. Maging ang isang cruise ship ay naka-qua­rantine para rin hanggang ngayon. May mga lugar na shut down at ang ibang airplaines ay grounded. Ang lahat ay nagsimula sa China na umabot na ang kaso sa mga international locations.

Maaaring wala pang lunas sa nakatatakot na virus na dahilan ng paglaganap ng upper-respiratory tract na sakit. Kung nagtataka kung paano ang ilang tao ay nagkakaroon ng virus at iba ay hindi. Ito ay dahilan sa pagpapalakas ng immune system. Alam n’yo ba na 70% ng immune system ay nasa ating digestive tract?

Importante na i-priority ang immune system bilang depensa sa sakit. Trabaho ng immune system na protektahan ang kalusugan na huwag magkasakit sa paglaban ng mga “foreign invaders” na pumapasok sa katawan. Bawat minuto ay nakikibaka ang loob ng katawan sa pagitan ng cells ng immune system na mayroong “good guys” at “bad guys” gaya ng mga virus. Tulad ng sipon, lagnat, at coronavirus, allergens, toxic substances, at ibang pathogenic bacteria, parasites, at fungi.

Ang sagot ay palakasin ang immune system upang magkaroon ng “ammunition” at pagkain ng mga masusustansya upang maprotektahan ang katawan laban sa anomang virus.

 

Show comments