Protina na kailangan ng katawan

Mahalaga ang health at body transformation ang madalas na tanong ay kung ano ang kakainin sa agahan at bago humiga sa kama.

Upang ma-achieve ang body looks, gumanda ang pakiramdam, at mabuhay nang matagal. Maraming tao ang hindi alam ang sagot kaya nga nagkakaroon ng kakulangan sa nutrisyon. Kaya nawawalan ng kontrol sa paglantak ng pagkain, kasunod ang paglobo ng weight issue, bumababa ang energy, maagang tumatanda, at ibang malalang sitwasyon.

Ang totoo, kalahati lang ang napupunuan sa mga tao ng mga vital micro-nutrients.

Ang pagkain ng tama ng breakfast ang susi upang gumanda ang pakiramdam at maging productive sa maghapon. Ang sapat na nutrition sa pagkain ng high clean protein ay nagpapagana ng metabolism at pang boost ng immune system. Kailangan ng 150 grams ng protein na puwedeng makuha sa isang basong gatas,  nilagang itlog,  breast ng chicken, ground beef, tuna, at iba pang pagkain araw-araw.

Ang problema ay walang oras, o pasyensya sa pagluluto ang karamihan. Ang ilan ay walang budget, at hindi marunong magkalkula ng lahat ng protein na kailangan para makunsumo sa pagkain. Kaya nga kinakapos ang marami sa benepisyo ng high protein diety.

Simpleng kumain nang sapat na protein sa umaga. Huwag naman kumain ng sobrang carbs sa gabi dahil magkaiba sa agahan. Sa halip ay low carbs na ang lantakan tatlong oras bago matulog.

Show comments