Hindi madaling ma-hit ang isang target na hindi nakikita. Kung hindi alam kung saan pupunta, malamang ay mauwi sa kung saan na lang kaya importante ang pagkakaroon ng goals.
Karamihan naman sa tao ay naiintindihan na sa bawat pag-set ng goal ay mahalaga na mayroon din itong progress. Ang problema ay ang majority ay nahihirapan sa proseso ng goal settings lalo kung paano ma-improve ang kanilang financial na aspeto o maging sa health at fitness.
Ayon sa psychologist, maaaring maayos ang problema sa goal setting kung gagamitin ang salitang smart para maging simple at madaling matandaan.
Smart, Measurable, Achievable, Realistic, at Time-base. Hindi lang basta wish mo ang pumayat. Sa halip ay maging specific sa kung ilang amount ng weight ang gustong ibawas sa loob ng ilang araw, linggo, o buwan. Ang pinakamahalaga ay kung paano ang gagawin na bawasan ang bite size sa bawat araw o buong linggo. Kadalasan ay napapako sa nakakalulang goal na masyadong malaki o long-term goal. Ang dapat na gawin ay i-break down na hati-hatiin sa maliliit na goal para malinaw na puwedeng i-manage kung paano gagawin ang bite-size na kaya lamang gawin. Iplano ang bawat detalye na kung ano ang gustong mangyari. Isulat din ang iyong behavior-base goals upang magkaroon ng kontrol sa iyong action.
Magkaroong ng mind setting kung paano ilalatag ang mga simpleng hakbang para sa mga mini-goals. Tanungin ang sarili kung paano ipoproseso sa SMART na paraan upang matupad ang desire na inaasahan.