Dear Vanezza,
Yung hinahanapan na ako ng anak ng magulang ko dahil ang mga classmates nila ay hindi na mabilang ang kanilang mga apo. Kasalanan ko ba kung late na silang mag-asawa at ipanganak kami ng kapatid ko. Fresh graduate pa lang kami ni kuya at gusto pang mag-enjoy sa buhay. Bakit ba mas excited ang nanay ko sa buhay ko?
Jess
Dear Jess,
Na-miss lang ng magulang mo na wala nang bata sa bahay ninyo kaya talagang excited na sila magkaroon ng apo. Pero tiyak ay masaya na rin si nanay kung makikita ka niyang nag-i-enjoy pa sa buhay mo.
Sumasainyo,
Vanezza