Isa sa mga problema ng mga inang kapapanganak pa lamang ay kung paano mapalalabas ang kanilang gatas para maipakain sa kanilang gutom na mga anak. Nagdudulot din ito ng pananakit at pamamaga ng dibdib.
Ang kawalan ng gatas ay dahilan din ng pagkaka-depress lalo na ng mga first time maging nanay.
Maraming lunas ang sinusubukan pero isa sa maituturing na subok na at epektibo ay ang paglalagay ng repolyo rito. Yes, repolyo na murang mabibili sa mga palengke.
Nagiging trend na ngayon sa American at European countries ang paglalagay ng repolyo sa bra at direkta sa boobs dahil nakakabawas ito ng pananagit at pamamaga na dulot ng gatas na hindi mailabas at breastfeeding.
Para naman sa mga hindi pa ina, pwede ninyo uto subukan para ma-relax ang inyong boobs dahil sa pagsusuot ng hindi komportableng bra.
Mas epektibo ito kung ilalagay muna sa ref ang repolyo ng hindi bababa ng isang oras. Balatan muna ang labas na bahagi ng repolyo dahil ang loob na bahagi ng repolyo ang dapat na gamitin. Siguraduhing hugasan muna ito ng mabuti ng malamig ng tubig at ilagay na ito ng direkto sa boobs ng 20 minuto.