Lalaking nagsalba ng 3 kuting gamit ang kape

Nagsasagawa ng isang checkup run ang Canadian oil worker na si Kendall Diwisch nang mapansin niya ang tatlong inabandonang kuting sa isang back road.

Nung una ay nagtaka siya dahil hindi umaalis ang mga ito sa kanilang kinatatayuan pero nang kanyang lapitan, napag-alaman niyang nagyelo na pala ang mga bundot nito sa kalsada.

Hindi nagdalawang-isip si Kendall na i-save ang mga kuting gamit ang kanyang kape. Oo, kape!

May baon daw kasi siyang maligamgam na kape sa kanyang thermos.

Ibinuhos niya ito sa nagyeyelong buntot ng mga pusa para matunaw at sila’y makaalis.

“Unfortunately, there wasn’t enough coffee (or it wasn’t warm enough) for it to do the trick. So, Diwisch decided to give it a little pull. Despite the kittens meowing in discomfort, he managed to fairly easily set them free from their icy prison. No kittens were scalded or harmed during the rescue,” ayon pa sa Bored Panda article.

Inuwi niya ang mga ito para pakainin at palakasin. Inihahanda niya ang mga ito sa adoption.

Ang istoryang ito ay pinost ni Kendall sa kanyang Facebook page na agad namang nag-viral.

Show comments