Isang theme park sa South Korea ang umagaw sa atensyon ng maraming tao sa buong mundo, bali-balita kasing ito ngayon ang world’s kinkiest theme park na matatagpuan sa Jeju Island, ang Jeju Loveland.
Simula nang magbukas ito noong 2004, palagi na itong dinarayo ng mga turistang may interes sa erotic artworks at kung anu-ano pa.
Merong koleksyon ang Loveland ng 140 statues kung saan makikita ang iba’t ibang posisyon sa pakikipagtalik, sikat din ito dahil sa erotic exhibitions na nagpapakita naman ng mga kakaibang sitwasyon sa pagitan ng mga tao at hayop.
Kasing laki ng dalawang two soccer fields ang kabuuan ng nasabing park, at aabutin kayo ng ilang oras sa paglilibot dito kung binabalak niyo itong pasyalan.
Ang mga naglalakihang sexy sculptures ay gawa ng mga grupong galing sa art school ng Seoul’s Hongik University, at ayon sa kanila, dito ang madalas na pasyalan ng mga bagong kasal o honeymooners, lalo ng mga ikinasal lang sa pamamagitan ng arrange marriage para maiwasan ang tensyon sa pagitan ng mga mag-asawa.
Ganunpaman, kung kayo naman ay pamilyar na sa inyong partner, partikular sa pakikipagtalik, maaari n’yo rin itong gawing inspirasyon para makakuha ng mga bagong idea para mapainit lalo ang pagsasama ninyong mag-asawa.
Bukas araw-araw ang Jeju Loveland na nagbubukas tuwing 9:00am at nagsasara lang tuwing hatinggabi.
Bukod sa erotic statues at exhibits, meron din itong masasarap na restaurants, outdoor café at art shop na puwedeng-puwede ring bisitahin.