Invisible sa paningin ni nanay

Dear Vanezza,

Kahit matataas ang mga grades ko ay hindi na-appreciate ng nanay ko. Samantalang ang kuya ko na panay ang bagsak ng mga grades at nakapalit na ng kurso ay hindi pa rin makatapos ng kolehiyo ay supportive pa rin siya sa utol ko. Ako ay laging invisible lang sa paningin ni nanay. Kapag nanghingi ako para sa school waiting lists pa ang drama ko. Sa kuya ko isang hingi lang abot agad. Bakit unfair ang nanay ko sa akin? Ampon kaya ako? - Madel

Dear Madel,

Marahil ay nagkakataon lang ang mga pangyayari. Bakit hindi masinsinan na kausapin si nanay upang malinawan ang mga pagdududa mo. Para mawala rin ang inggit sa kuya mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments