Rash sintomas ng HIV?

Ang HIV ay isang virus na sumisira sa immune system na maaa­ring magdevelop sa AIDS.

Ayon sa Joint Uni­ted Nations Program on HIV and AIDS (UNAIDS), ang Philippines ang nangungunang bansa sa pinakamabilis na pagdami ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) cases sa buong mundo.

Karamihan sa may HIV ay nakakaranas ng pagbabago sa kanilang balat.

Ang Rashes ay isa sa unang sintomas ng HIV infection.

Karaniwan, lumalabas ang HIV rash na mapupulang umbak na nakaangat na rashers.

Ang taong may HIV ay ‘di malayong magkaproblema sa balat dahil sinisira ng virus ang immune system cells na panlaban sa infection.

Ang mga sanhi ng rashes ay molluscum contagiosum, herpes simplex at shingles o kulebra kung tawagin.

Ang itsura ng ra­shes, gaano ito katagal mawawala at kung ano ang treatment ay depende sa sanhi nito.

Show comments