Napapanot na hitsura, beauty trend noong 1300s
Kabaligtaran sa ancient Romans ang paniniwala noong medieval period ng mga kababaihan sa England.
Binubunot isa-isa ng mga kababaihan ang kanilang buhok sa itaas na bahagi ng kanilang noo para mapalaki ang kanilang noo. Sa tawag dito sa atin, ina-achieve nila ang hitsurang napapanot.
Kung mas mataas na hairline at mas malapad na noo ay mas maganda para sa kanila.
Ang nasabing beauty trend ay sumikat noong 1300s kung saan daan-daang mga kababaihan ang nagtiis-ganda para ma-achieve ito.
Bukod pa sa paraang ito, inaahit din nila ang itaas na bahagi ng kanilang kilay para mas magmukhang malapad ang noo.
Nang nakarating daw ang kakaibang beauty trend na ito sa simbahan ay agad nilang ipinahinto ito at kinonsiderang mortal sin dahil sa pagtatanggal nila ng buhok sa mukha at ulo.
- Latest