Nabubuhay lamang ang mga sementeryo sa atin tuwing Undas. Kaliwa’t kanan ang mga pamilyang nagpi-picnic at nag-i-sleepover sa tabi ng mga puntod ng mga yumao nilang mga kamag-anak. Ganunpaman, kapag regular na araw lang ay siyempre, kitang-kita ang malungkot at nakakakilabot na ambiance ng sementeryo. Tulad na lang ng sa Campo Santo de La Loma, na itinayo noong panahon ng mga Kastila at nagsilbing battlefield noong giyera ng mga Filipino at Amerikano.
Noong panahon na sinakop tayo ng mga Hapon, ang pagpugot sa mga ulo at pagto-torture ay ginagawa sa mismong cemetery grounds.
Karamihan sa mga museleo at libingan na nandoon ay hindi naapektuhan ng mga bomabahang naganap noong World War II, kabilang na rin doon ang abandonadong chapel ng St. Pancratius.
Ang nasabing ancient chapel na nasa loob ng sementeryo ay napapaligiran na ng mga lumot at damo. Marami ang nagsasabi na kapag napapadaan daw sila rito ay giniginaw sila sa lamig kahit na sobrang tirik ang araw.
Marami rin daw silang naririnig na mga umiiyak at humihingi ng tulong. Ang iba pa nga ay nakakakita raw ng mga pari at madre o minsan naman daw ay pugot na ulo.