Excited sa pagdating ng ka-chat

Dear Vanezza,

May ka-chat ako na gusto akong ma-meet sa pagbabakasyon niya rito sa ‘Pinas. Excited ako, ang problema ko ay kung paano ako makakatakas sa pamilya. Takot naman akong ipakilala siya dahil hindi pa ako sigurado kung click kami sa isa’t isa. Ano ba ang gagawin ko? – Nishia

Dear Nishia,

Huwag ilihim sa iyong pamilya ang tungkol sa pagdating ng iyong ka-chat. Mapanganib ang ganyang sitwasyon lalo’t hindi pa ito lubusang kilala. Mas sasamantalahin ng foreigner ang iyong kahinaan kung alam niyang wala ding alam ang pamilya mo sa pagkikita ninyo. Kung gustong makatiyak at makilala ang ka-chat malaki ang maitutulong ng suporta ng iyong pamilya. Upang hindi mo na kailangang magsinungaling o tumakas sa iyong pamilya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments