Happy place para sa anak

Ang pagkakaroon ng positibong attitude ng anak ay nagsisimula kung ang tahanan ay positibong lugar din para sa mga bata at teenagers.

Bigyan ng oras ang mga anak gaano man ka-hectic ang schedule ng trabaho. Bago matulog ang anak ay makipagkilitian, makipagkuwentuhan, at tanungin ang kanyang school activities. Gawin ito habang maliit pa ang mga anak, upang masanay na mayroon silang magulang na napagsasabihan o makikinig sa kanilang kuwento.

Gawing happy place ang tahanan kung saan feeling safe at secure ang mga anak.

Huwag kalimutan na ngumiti palagi na magki-create ng happy atmosphere na magiging masayahin din ang mga anak.

Show comments