Habang ang ibang tao ay hindi nanghihinayang na pagupitan ang kanilang mga buhok, ang ilang mga babae sa China naman ay pinahahalagahan ang bawat hibla nito.
Ang ilang henerasyon ng mga kababaihan ng Red Yao community ay pinananatili pa rin ang kanilang tradisyon sa South China, ang Red Yao tradition. Isa sila sa 55 na kilalang ethnic minorities na nakatira sa kabundukan ng southwest at south.
Ang pagpapahaba ng kanilang buhok habang sila ay nabubuhay nang hindi pinapagupitan ay parte ng Red Yao tradition.
Isang beses lang silang gugupitan sa buong buhay nila, ito ay kapag nakarating na sila sa edad na 18.
Ayon kasi sa kanilang paniniwala, kapag mas mahaba ang kanilang buhok, mas mahaba rin ang kanilang buhay.
Ang bawat hibla na nalalaglag sa tuwing sila ay nagsusuklay o naliligo ay kanilang tinatago.