Manang virgin since birth

Dear Vanezza,

Sa maniwala o hindi sa edad kong 50 years old  ngayon ay virgin pa rin ako since birth. May nanliligaw sa akin na 10 at 15 years ang tanda ko. Gusto raw nila ako, worry ko lang na after 10 years ay senior citizen na ako. Tiyak maghahanap sila ng mas bata sa akin ‘di ba? Tama ba ako? - Manang  Auring

Dear Manang Auring,

Huwag na po maging choosy. Piliin sa kanila ang type mo at honest na mahal ka. Saka mo na problemahin ang isyu mo kapag 60 years old ka. Ang importante ang kasalukuyan kung kailan finally ay may makakasama sa buhay na magpapasaya sa iyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments