Busy o productive?

Kadalasan ang sagot ay “busy” kapag kinakamusta ng iba na tiyak ay hindi ka nag-iisa. Ganundin ang ka­ra­mihan na marami ring pinagkakaabalahan. Malaki naman ang pagkakaiba ng pagiging busy lang o productive. Puwedeng mara­ming ginagawa, pero hindi naman produktibo na dapat na siyang mangyari.

• Importante ngayong bagong taon na magkaroon ng “to-do-list”. Maaaring isulat ang mga bagay na gustong gawin. Saka i-delete ang mga ideas na hindi priority. Magpokus lamang sa mahalagang items. Kung mayroong hindi importante o urgent ay puwedeng ilagay sa kabilang listahan.

• Magplano rin nang mas maaga para maplantsa ang mga agenda na gagawin. Ang ibang tao ay puwedeng may weekly na goals na depende sa target.  Upang nakasentro na alam mo kung saan ang tamang direksyon na tatahakin. Huwag kalimutan tuwing gabi na bago matulog ay i-check ang gagawin sa kinabukasan.

• Mag-recap din araw-araw upang mapag-isipan kung ano at paano ang nangyari sa maghapon. Higit sa lahat ay upang makatulong sa mga bagay na dapat pang ayusin sa susunod na araw.

• Kailangan din simulan na linisin ang kalat sa desk, office, at maging ang inbox ng iyong emails. Sa ganitong paraan ay natutulungan na hindi ma-sidetract.

• Importante na mag-set up ng timer upang madisiplina ang sarili. Ang timer ay nakatutulong na magkaroon ng sense of urgency upang ma-push na tapusin ang task.

• Mahalaga rin na magkaroon ng mini-work out bilang physical na activities. Para ma-boost ang energy level. 

• Magkaroon din ng goals na ma-improve ang communication skills. Gawing simple lang ang isasagot para hindi mataranta.

• Kapag pinagsama ang productivity na may pokus ay saka nagsisimula ang magic na may drive na magsimula nang tama sa bawat goals at task na gagawin.

• Kailangang iabante ang isang paa pasulong, kaysa sa parehong pantay ang tapak. Ready laging.

• Rekomendado na mag­pakonsulta muna sa iyong pamilya at doktor bago gumawa ng major na pagbabago sa iyong daily routine. Upang magaba­yan ng tamang gagawin physically, emotionally, at mentally.

Anoman ang goals ngayong taon, lahat ay nagsisimula sa pagdidisiplina sa sarili upang makamit ang iyong plano ngayong 2020.

Show comments