Nobya ni Manong Bilmoko Girl

Dear Vanezza,

Isa akong biyudo at mayroon akong ka-live na mas bata sa akin ng 20 years. Noong ilang taon naming pagsasama ay okey pa, pero mula nang nagkasakit ako sa puso ay bigla niya akong iniwan. Pagkatapos na hindi ko na siya mabigyan ng pera dahil inilalaan ko na lang sa  maintenance ng sakit ko. Ngayon ay nalulungkot ako na gusto ko sana siyang bumalik sa akin. Kaso mauubos naman ang pera ko, sa bilmoko kong nobya. Ano ba ang gagawin ko? – Manong Boy

Dear Manong Boy,

Maghanap ng babaeng hindi pera ang habol sa iyo, kundi ang asawa na totoong makakasama mo sa hirap o ginhawa ng buhay. Mas maganda rin na maghanap ng babae na hindi masyadong malaki ang agwat ng edad sa iyo, sa halip ay babaeng mature na magmamahal at makakaintindi sa iyong kalagayan.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments