‘Resurrection Mary’
Kapag narinig natin ang mga salitang ‘sementeryo’ at ‘libingan’, agad na pumapasok na rin sa ating isipan ang salitang ‘multo’.
Isang sementeryo sa Chicago, U.S.A. ang kilalang-kilala dahil diumano sa sikat na multong nakatira rito, ito ay ang Resurrection Catholic Cemetery.
Ayon sa mga lokal, kapag napapadaan daw sila sa nasabing sementeryo, madalas daw silang makakita roon ng magandang babae na nakikisakay o nakikisabay sa kanilang sasakyan. Kapag daw tinanong kung saan siya bababa, sa Resurrection Catholic Cemetery ito magpapahatid.
Ang tawag sa kanya ay Resurrection Mary.
Sa paglipas ng panahon, halos nasa libo na ang nai-report na nakakita kay Mary. Naglalaho na lang daw ito ng bigla kapag malapit na sa sementeryo.
Noong 1930’s daw, isang Polish na babae na nasa edad 17 hanggang 22 ang pauwi na sa kanyang bahay matapos manggaling sa isang ballroom party nang masagasaan siya ng isang sasakyan. Inilibing siya sa Resurrection Cemetery at pinaniniwalaang ito si Mary.
Madalas siyang makita na nakasuot ng vintage ball gown at mistula pa rin daw siyang buhay.
- Latest