Positibong Mindset para sa puso
Sino ba ang hindi gusto na bumaba ang risk ng sakit sa puso? Upang maiwasan yung tipong unti-unting namamatay ang pasyente dahil sa cardiovascular disease kahit pa walang iniindang sakit. Hindi naman ganito kasimple ang proseso, pero malaking benepisyo kung maagang gawing healthy ang puso.
Ang heart disease ay top killer sa U.S. ayon sa Center for Disease Control and Prevention at maging saang dako ng mundo lalo na sa ‘Pinas. Ito rin ang pangunahing dahilan ng kamatayan sa buong mundo sa lahat ng gender, races, at ethnic groups. Sa bawat 37 seconds ay may namamatay na tao kada-taon. Ang heart disease na tinatawag ding cardiovascular disease ay galing sa iba’t ibang uri ng problema na kadalasan ay puwedeng mapigilan. Estimate ng mga scientists na halos kahati ng dahilan ng kamatayan dulot ng cardiovascular ay maaarin ngang maiwasan. Hindi nakapagtataka ang mga doktor at health-care practitioners ay regular na nagpapaalala sa lahat na regular na mag-ehersisyo, kumain ng whole foods, i-manage ang stress, at magkaroon nang sapat na tulog.
Ang isa pang importanteng paraan ay pagkakaroon nang positibong pananaw sa buhay. Maniwala man o hindi, kinompirma sa research na ang pagiging optimistic na feeling positibo na confident sa future outcomes, pagiging masayahin, mapagpasalamat, at niyayakap ang sense of purpose ay puwedeng maprotektahan ang puso mula sa mga sakit.
Sa research sa U.K. na ang nakolektang data mula sa 8,000 katao na nadiskubre na ang mga taong optimistic at mayroong sense of well-being ay mabababa ang risk na ma-develop ang sakit sa puso. Ang mga indibidwal na may positive outlook ay nai-enjoy ang buhay, kumpara sa mga taong laging negative o mareklamo ay mas maaga ang kamatayan. Ang pagkakaroon ng tamang pananaw ay puwedeng mapag-aralan na hindi pa huli ang lahat kung i-train ang sarili na mayroong kakaibang positibong mindset sa buhay.
- Latest