Mga batang pasaway, kinukuha ng halimaw tuwing Pasko!

Sa nalalapit na Kapaskuhan, excited na naman ang mga bata na mag-ikut-ikot sa bahay-bahay para mamasko at makakuha ng regalo. Siyempre, hindi mawawala sa kanila si Santa Claus na naglalagay ng regalo sa medyas na kanilang isinasabit sa labas ng kanilang kwarto. Pero alam niyo ba na kung may Santa Claus, meron ding si Krampus.

Si Krampus ay isang nilalang na kalahating tao at kalahating demonyo na nangunguha ng mga batang hindi nagpakabait sa buong taon bago at tuwing Kapaskuhan. Pinaparusahan niya ang mga ito dahil sa pagiging pasaway.
Totoo man o hindi, panakot ito ng mga magulang sa kanilang anak sa parteng western countries at epektib daw dahil nakikinig ang kanilang mga anak.

Show comments