Sumisikat ngayon ang bagong kinababaliwan ng mga mahilig magpaganda – ang snail facials, at matatagpuan lang ito sa northern Thailand.
Kilala ang nasabing bansa bilang isa sa world’s top spa destinations dahil sa kaliwa’t kanang mga spa at massage treatments nito.
Bukod sa snail, gumagamit din sila ng mga isda para naman sa pedicure spas.
Isa ang Chiang Mai’s Snail Spa sa mga dinarayo doon dahil sa ginagamit nilang helix aspera muller glycoconjugate o snail mucus.
Nagsimulang mag-operate ang nasabing spa noong 2014 na pagmamay-ari ng dalawang Frenchmen na may mga alagang 100 na suso mula sa kanilang bansa.
Ngayon, umaabot na raw sa 30,000 ang colony nito kung saan pinapakain nila ng carrots, repolyo at aloe vera sa isang organic farm.
“We take care of the snails as if they were our family, our babies. You can see they look very good,” ani Luc Champeyroux, isa sa mga may-ari.
Bago lang daw ang pagkakaroon ng facial snail at paggamit ng snail mucus, noong ancient Greece raw na panahon ng great physician na si Hippocrates, nadiskubre niyang ang mga dinurog na suso na hahaluan ng sour milk ay maaaring makagamot sa mga sakit sa balat.
Sa paglipas ng panahon, nadebelop ng mga French na gawin itong assorted creams and lotions.