Sinungaling na nobyo

Dear Vanezza,

May nanligaw sa akin na sinagot ko naman kahit ayaw ng magulang ko dahil sabi niya ay mayaman at may trabaho siya.  Sa paghihigpit ng magulang ko ay nagrebelde ako at sumama sa bf ko, pero kasinunga­lingan lang pala lahat ang sinabi ng bf ko. Ngayon ay dalawang buwan na buntis ako. Takot at nahihiya akong bumalik sa bahay namin. Ano po gagawin ko? - Jade

Dear Jade,

Nasa huli man ang pagsisisi ay puwede pa rin ituwid ang pagkakamali. Isipin mo ang magiging anak mo. Magpakumbaba na humingi ng tawad sa iyong magulang upang matulungan ka sa iyong pinagdaraanan. Matuto sa pangit na karanasan mo na makinig sa iyong magulang kahit sa aspeto ng puso.

Show comments