‘Reason for the season’

Lahat ay pamilyar sa peaceful words ng kantang “Silent night, holy night. All is calm; all is bright…” Ang tanong nang marami na isa itong kalokohan dahil walang katahimikan, kalmado, o masayang holidays. Dahil kahit ang schedule ng pamilya ay magulo, nagbabago ang tradisyon, hindi alam kung kaninong biyenan ang pupuntahan, may awayan, at hindi makontrol ang emosyon sa galit mula sa ibang miyembro ng pamilya. Ang bawat pamilya ay may ganitong karanasan, pero puwede pa rin mapanatili ang holy nights na kalmado at magkaroon ng bright holidays sa buong season ng kapaskuhan.

Tandaan, ang ‘reason for the season’ ay kailangan panatilihin ang peace on earth na magsisimula sa bawat indibidwal lalo na ang mga Christians na ang responsibilidad ay maging model ni HesuKristo.

Ang intensyon ng holiday ay hindi para magkaroon ng perfect na pamilya kundi  ang pagsalu-salo ay mas maging maayos. Ang special days ay selebrasyon para sa Panginoong Hesus na Siyang nagbigay ng kaligtasan, biyaya, love, at joy sa sanlibutan. Ang pagpapamamalas ng love ng Diyos sa ating pamilya ang pinakamahalaga. Upang maipahayag ang kasiyahan ng Panginoon.

Huwag kalimutan, ang sentro dapat ng holidays ay ipokus sa tamang seleb­rasyon at hindi para makatanggap ng material na regalo o magsaya lamang, kundi bilang pasasalamat sa Tagapagligtas at Panginoong HesuKristo na siyang totoong diwa ng Pasko.

 

 

Show comments