Lalaki at nawawalang pusa, muling nagkita pagkalipas ng 7 taon

Nawalan na ng pag-asa si Robert na muli niyang makikita ang alaga niyang pusa na si Chebon. Nawala si Chebon pitong taon na ang nakararaan bago niya plinanong lumipat mula California, USA papuntang Ohio, Canada. Hindi muna niya itinuloy ang paglipat at sa halip, ginugol niya ng isang buong taon sa paghahanap sa kanyang pusa.

 “I remember at one point I was praying and I said, ‘God, I’ll do anything, just bring my Chebon back,’” kuwento pa nito.

May nakakitang babae kay Chebon na may sakit na dala na rin ng katandaan. Dinala ito sa vet at ginamot. Mabuti na lamang at mayroon itong microchip kaya mabilis na nalaman kung sino ang owner niya.
“I was afraid there was some kind of mistake,” sabi pa ni Robert.

Lumipad pa si Robert mula Canada papuntang Los Angeles para kumpirmahin kung ito nga ba si Chebon. Naiyak siya nang malamang buhay pa ang kanyang nawawalang pusa.

 

Show comments