^

Para Malibang

10 haunted na lugar sa Bangkok, Thailand

MRYOSO - Pang-masa

1. Wat Pai Ngoen Temple – isang morge na pinagtapunan ng 2,002 na sanggol at fetus na nakasilid lamang sa plastic. Hanggang ngayon, nakakarinig pa rin daw ang mga lokal ng mga iyak at tawa ng mga bata sa nasabing lugar.

2. Ajarn Chuan Ashram, Chachoengsao – abandonadong simbahan ng mga monghe kung saan ang daan-daang estatwang naiwan dito ay gawa sa labi ng mga taong pumanaw na. Nabubuhay daw tuwing hatinggabi ang mga ito.

3. Haunted house sa Thawi Watthana – pitong kabataan ang nagtangkang pasukin ito. Makalipas ang ilang linggo, isa-isa silang namatay. Ayon sa mga nakakita, palaging may nakasunod sa kanilang babaeng nakaputi.

4. Santika Pub, Soi Ekhamai 8 – bagong taon nang masunog ito kung saan halos 60 katao ang nasunog ng buhay sa loob ng nasabing bar. Maihahalintulad ito sa nangyari sa Ozone disco sa Quezon, City kung saan daan-daan naman ang namatay. Nagpaparamdam pa rin daw hanggang ngayon ang mga nasawi sa trahedya.

5. Bus Cemetery sa Soi Saiyud – lugar kung saan itinatambak ang mga abandonadong bus at sasakyan, pati na rin ang mga nasangkot sa aksidente. Madalas daw na may marinig dito na may humihingi ng tulong pero wala naman talagang tao.

6. Ratchada Road – isang highway sa Bangkok kung saan daan-daang tao na ang naaaksidente at namamatay. Ayon sa mga survivor, may itim daw na pigura silang nakita na tumalon mula sa malaking puno na nandoon bago sila madisgrasya.

7. Thai Zhong Tower – kilala rin sa tawag na Abandoned building of 5 corpses dahil sa limang taong nag-suicide na rito. Paniniwala ng iba, naghihiganti lang ang itim na taong nakikita nila at patuloy lang sa pangunguha ng buhay.

8. Prostitute Graveyard – 40 taon na ang nakakalipas, nagsilbing motel daw ang lugar na ito. Dito dinadala ang mga prostitute na pinipilit magtrabaho kahit hindi nila gusto.

Sarado na ang lugar pero marami pa ring nakakarinig sa hiyaw ng mga babaeng pinahirapan dito.

9. Bang Pakong River Bridge – taun-taon ay may tumatalon daw sa tulay na ito dahil sa babaeng nakapulang damit na kanilang nakikita. Kumakaway daw ito sa kanila at ineengganyo silang tumalon din.

Marami ang naka-survive at iisa lang ang kanilang kuwento.

10. Libingan sa Wat Don Temple – ito raw ang itinutu­ring na pinaka-haunted na libingan sa Bangkok. Halos 10,000 na katawan ng tao raw ang nakalibing dito at ang iba ay walang pagkakakilanlan.

Iniiwasan din ito na madaanan at magsakay ng mga taxi driver dahil sa pasahero nilang duguan ang mukha.

vuukle comment

BANGKOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with