Hi-tech na selebrasyon ng OFW
Mataas ang bilang ng mga overseas Filipino workers na umuuwi sa bansa tuwing Disyembre para makapiling ang asawa at anak para sa kapaskuhan.
Sa malas, maraming OFW din ang hindi makauwi sa anomang kadahilanan. Kadalasan ay walang choice na manatili sa ibang bansa. Ang iba ay iniisip na ang pamasahe na pauwi sa pamilya ay ipapadala na lang para pang pamasko ng asawa at mga anak.
Mabuti na lamang ay hi-tech na ngayon na sa isang click lang ay makakausap na ang mahal sa buhay saan man lupalop ng mundo. Kaya huwag ipagkait ang simpleng sulyap na makita at makausap ang OFW sa harapan ng screen kung sila ay online, upang mapawi ang kalungkutan para sa kanilang mahal sa buhay.
Ang goodnews ay puwede na rin makapiling si hubby, misis, at mga anak sa holidays season dahil sa magic ng Internet na pinaglalapit pa rin ang pamilyang Pinoy.
- Latest