Nobyo na may asawa pala

Dear Vanezza,

May BF ako na hindi ko alam ay may asawa pala. Ang problema ay buntis ako ngayon. Nabulag ako sa mga pambobola niya. Ngayon ay natatakot akong sabihin sa pamilya ko. Paano kung itakwil din nila ako? Ano po ang dapat kong gawin? – Sonia

Dear Sonia,

Sabihin agad sa iyong pamilya ang iyong sitwasyon. Tiyak na hindi ka nila tatalikuran ngayong mabigat ang iyong problema. Isipin higit sa lahat ang iyong sanggol na dinadala kasya sa takot o kahihiyan. Nandiyan na ang problema, pero kailangang maging matapang na panindigan na itaguyod at isipin lagi ang kapakanan ng iyong anak.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments