Bakit nga ba ang mga Pinoy, kahit na naduduwag na ay gusto pa ring mas tinatakot ang mga sarili?
Bukod sa mga pelikulang drama, mahilig din tayo sa katatakutan. At ayon sa isang pag-aaral, mabuti raw ito para sa ating kalusugan.
“When someone startles you in a Halloween costume, you immediately assess whether it’s real or not. At that point, your body determines if there is a real threat or not, which in this case it’s not because you know it’s Halloween and act appropriately. If there is no immediate threat, the physiological and psychological mechanisms calm, and there is no more reaction.
“At this point what happens is fight-or-flight kicks in – but to your benefit. If you imagine you’re in a haunted scary house, you know it’s not real but it still scares you because you know you are safe.
“If your body senses that you aren’t threatened, you will still experience the actual fear, but instead of releasing the stress hormone cortisol your body actually releases the hormone dopamine and makes you feel good! It simply hijacks the flight response and enjoys it. In this case a common occurrence after someone has been scared is hysterical laughing,” paliwanag ng psychoanalyst na si Steve McKeown.
Kadalasan ay mga adult na ang madalas manood ng horror movies, hindi ito advisable para sa mga bata dahil nagiging sanhi raw ito ng trauma sa kanilang utak at posibleng mapanaginipan ng paulit-ulit habang sila ay lumalaki, hanggang sa maging bangungot. Pero hindi naman lahat ng bata ay ganito. may mga bata rin na gustung-gusto ng nakakatakot at weird na mga bagay.
Ayon kay McKeown, ang fear o takot ay nag-uumpisa sa amygdala, parte ng utak ng isang tao, na nagta-transmit sa buong katawan.
Ang pakiramdam ng takot daw ang bumubuhay sa atin. Kasama ito sa DNA ng isang tao at hindi maaaring maalis.
Ang mga karaniwan daw na kinatatakutan ng lahat ay kamatayan, gagamba, nuclear war at pagka-suffocate.