HIV Virus

Ayon sa  Joint United Nations Program on HIV and AIDS (UNAIDS), ang ‘Pinas ang nangungunang bansa sa pinakamabilis na pagdami ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) cases sa buong mundo.

Ayon sa ulat ng UN organization noong Oktubre, nakapagtala sila ng 13,384 bagong kaso ng HIV infections sa pagtatapos ng taong 2018. 

Ang bilang na ito ayon sa UNAIDS, ay 203 percent na mataas kumpara sa mga naitalang HIV cases noong  2010 na may  4,419 lamang.

Sa tantya ng UNIAIDS, may 77,000 tao nang may HIV (PLHIV) sa Pilipinas ngunit  62,029 lamang ang na-diagnosed at nai-report.

Ano ba ang HIV?

Ito ay ang virus na sumisira ng immune system. Ang immune system ang tumutulong sa katawan na labanan ang infections. 

Ang HIV ang pumapatay sa CD4 cells na isang uri ng  immune cell na tinatawag na T cells. Habang tumatagal ay mas marami pang pinapatay ang HIV na CD4 cells, kaya nagkakaroon sa katawan ng iba’t ibang uri ng infections at cancers.

Ang HIV ay nasasalin sa pamamagitan ng bodily fluids tulad ng dugo, semilya, vaginal at rectal fluids at breast milk.

Ang Virus ay hindi kumakalat sa hangin o tubig o sa pamamagitan ng casual contact.

Ang HIV ay panghabang buhay na condition at sa kasalukuyan ay wala pang gamot at lunas bagamat pinag-aaralan na ito ng mga scientists. (ITUTULOY)

 (source:https://www.healthline.com)

Show comments