Kakaibang glow ng kapaskuhan

Ang bilis talaga ng panahon na ilang kembot na lang ay Christmas na!

Marami ang nag-iisip kung paano i-celebrate ang happiest season ng taon. Gaya ng reunion, palitan ng regalo, pag-attend ng mga parties, at iba pang tradis­yon na ginagawa.

Pero paano iibahin ang selebrasyon ng konti ngayong taon kumpara last year. Puwede naman magkaroon ng kakaibang glow ang iyong kapaskuhan.

Ngayong nasa digital world na, maraming tradisyon na ang hindi ginagawa. Gaya ng paggawa ng Christmas card na pinalitan na ng e-greeting cards at bihira na rin ang nagka-carolling, o pagsasama-sama sa dinner time.

Subukan na magpadala ng Christmas card para sa mga mahal sa buhay. Alalahanin ang mga taong nagbigay sa iyo ng malasakit, dahil ngayong ang best na panahon ng pagbabalik ng pabor mula sa kanilang pagpapakita ng magandang karanasan.

Gawin ang Christmas time na mas makahulugan sa pagbibigay o pag-share ng kasiyahan na hindi kailangang maging material na bagay, bilang paalala ng holiday season. 

Show comments