Noong unang siglo, sinakop diumano ng mga sinaunang bampira ang Rhode Island sa New England.
Ang mga pamilya raw rito na nakatira noon ay hinuhukay ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay. Pinaghihiwa-hiwalay daw nila ang mga parte ng katawan ng mga ito para maprotektahan diumano ang mga nabubuhay pa.
Pinaniniwalaan kasing sa mga namatay na tao nagsisimula ang pagiging isang bampira.
Ang kadalasang kanilang ginagawa bukod sa paghihiwalay ng mga parte ng katawan, tinatanggal daw nila ang mga puso ng mga ito saka susunugin ang mga katawan para masigurong hindi na ito babangon pa.
Nagsimula raw sa Eastern Europe ang balita ng pagkalat ng mga bampira, hanggang sa nakarating na rin ito sa western countries tulad ng France at England noong 1700s. Nakaabot din daw ito sa kabihasnan ng New England noong 1800s kung saan sila mas kinatatakutan.
Narito ang ilan sa mga sikat na bampira noong unang panahon:
Peter Plogojowitz – isang Serbian villager na inakusahang maninipsip ng dugo. Napatay siya noong 1725 matapos saksakin sa puso ilang linggo bago ang una niyang kamatayan.
Arnold Paole – katulad ng iba, inakusahan din siyang isang halimaw. Marami ang kanyang nabiktima, at ang lahat ng bangkay ng mga nito ay hinukay at pinugutan ng ulo upang hindi na maging bampira.
Nellie Vaughn – 19 years old lang nang ilibing noong 1889 sa West Greenwich, Rhode Island. Kasing sikat ni Vaughn ang bampira ring si Mercy Brown na tinutukan at naging balita pa sa iba’t ibang diyaryo.