Hindi namamalayan na marami na ang babati ng “happy holidays!” Bago pa maging hectic ang holidays, ito ay perfect na panahon para magplano ng puwedeng pagkakakitaan lalo ang business minded na gusto uling sumubok ngayong taon. Paghandaan ang tagumpay ng holiday season na i-delegate kasama ang iyong team.
I-check ang order last year na asahan kung magkano ang basic supplies nakakailanganin. Mula sa shipping, supplies, packaging, at kahit ang maliliit na detalye.
Kung ito ang first time ng iyong holiday season nang pagnenegosyo, tandaan na mag-order nang maaga upang maiwasan ang rush shipping charges.
Ang pagiging handa ay makatutulong na ma-meet ang kailangan at demand ng inyong customers.
Isipin din ang holiday schedule na maging determinado kung kailan ang operating hours. Kung magbubukas ba katulad ng karaniwang haba o ikli ng oras ng stores. Planuhin din kung kailan magsasara ang business ng ilang araw.
Siguraduhin na ipaalam sa iyong staff ang tungkol sa holiday hours at ipaliwanag ang inaasahan sa holiday season.
Tanungin ang staff kung kailan mag-day off para ma-up date ang schedule ng pasok at pahinga ng iyong empleyado.