^

Para Malibang

Zombie Family (232)

Gilda Olividado - Pang-masa

Masaya na rin sana si Laurice kay Nikolai. Komportable sa isa’t isa, ramdam ang malasakit at pagmamahal.

Pero nagpipigil pa rin, hindi nagsisiping.

Madalas, nakakalimot na halos si Nikolai, halatang bilang lalaki ay gusto rin naman niyang makaniig ang babaing mahal.

Pero mahigpit sa sarili si Laurice.

“Hanggang hindi pa ako annulled at hindi pa tayo kasal, Nikolai. Ganito na lang muna.”

“Pero kailan mo aasikasuhin ang annulment?”

Hindi makasagot agad si Laurice. Kitang nahihirapan pa rin siya.

“Nasa … isla si Herman. Kasama ang body parts ni Marga. Walang masamang balita sa kanila. It’s just that … mino-moni­tor sila. So far, wala nang kinakain at pinapatay si Marga. Isa siyang zombie na nagkapira-piraso at lumaki ang mga pirasong ito. Ano kaya ang ibig sabihin nito, Nikolai? Na ang asawa ko is doing what is right? Samahan ang dating kabit, kahit talikuran kami. At ngayon, nagbubunga ng maganda dahil wala nang zombie na pumapatay. Hindi na zombie si Marga. Naging body parts na lang na sabi, buhangin ang kinakain. Nari-recycle lang ang mga buhangin sa loob ng katawan ng body parts.”

“I don’t know, Laurice. Ako man, I’m stunned on this. Mahirap na ngang paniwalaan ang mga  zombies and now … body parts! Zombie who turned into body parts! Pero tama ka … it is as if there is something right. Hindi namatay ang zombie Marga, nagkapira-piraso, dumami at lumaki but they are just occupying the island. No death so far.”

“At gusto ko ngang maging proud na lang ngayon instead kay Herman. Because he is succeeding in saving people. At hindi na siya kaila­ngang makipagniig sa isang mabahong zombie na nakakadiri.”

Natigilan si Nikolai. “Do you still want him? Do you love him more now? Kaya ba … hanggang halikan lang tayo? At kapag nagkakadikit ang mga lips natin ayaw mo pang patagalin?”

“Maybe. Hindi naman talaga ako na-fall out of love kay Herman. I never told you that. Pero napapamahal ka sa akin, nasasanay akong nasa tabi kita. This is complicated. Kaya sana lang, huwag tayong magmadali.”

“Okay. As you said.”

“Natatakot din kasi ako, Nikolai. May leksiyon na nakatatak nang naging zombies sina Marga. Nagsama sila ni Herman nang hindi kasal. Tinamaan sila ng kidlat and then they became zombies. Pati mga batang walang kasalanan ay nadamay. So paano kung sa akin naman mangyari ‘yon?”

Itutuloy

vuukle comment

LAURICE

NIKOLAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with