^

Para Malibang

10 Pagkaing Hindi Puwedeng Ilagay sa Refrigerator

BURP - Koko - Pang-masa

May pagkain na mas madaling masira kapag inilalagay sa refrigerator.

Hindi lahat ay aware na ang prutas ay mas madaling mahinog at ang gulay naman ay mabilis din mabulok sa loob ng refrigerator. Alamin ang mga pagkain na hindi dapat makita sa ref:

Melon – Tulad ng watermelon at honeydew, mas mainam kung ilalagay ang prutas na ito sa room temperature. Mas nagiging intact kasi ang antioxidants nito kapag inilagay ito sa labas ng ref.

Honey – Maaaring mag-crystallize ang honey at mas masarap itong kainin dahil sa gooey texture nito kapag sa labas lang ito ng ref inilagay.

 Saging– Nabubulabog ang proseso ng pagkahinog ng saging. Napapabilis din ang pagkabulok nito.

Sweet Potatoes – Ka­pag na-expose sa malamig na temperature ang kamote ay nagsisimula nang lumambot na naapektuhan ang flavor, texture, at pagtaas ng sugar content nito. Kung gusto ng walang lasang kamote na nagpapataba pa ay ilagay ito sa ref.

Tomatoes – Nawawala ang lasa ng kamatis na mabilis magtubig kapag nasa loob ng fridge. 

Apple – Puwede ilagay ang mansanas sa loob ng ref ng 30 minutes bago kainin. Para malamig at malutong kainin. Pero na­wawala ang flavor at pumapangit ang texture nito kapag mas matagal itong nasa loob ng ref.

Onion- Maglalasa at mangangamoy sibuyas ang lahat ng pagkain. Advisable na ilagay ito sa supot sa madilim na cabinet para sa maximum shelf-life ng sibuyas.

Avocado - Gaya ng saging, nabubulabog din ang enzymes sa pagkahinog ng abokado.

Coffee – Best na nakatago ang kape sa room temperature para lumabas ang natural oils ng aroma­tic scent ng kape. Ang kape ay nagsisipsip ng amoy ng ref, pero naglalasang kape rin ang kasama nitong pagkain sa loob ng fridge.

Hot sauce – Sangka­terba na ang suka sa hotsauce kaya hindi ito mapapanis kung hindi ito ilalagay sa ref.

Mas potent din ang anghang nito kung ilalagay lamang ito sa room temperature.

REFRIGERATOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with