Lahat ay nahihikayat na mag-explore na baybayin o subukan ang mga boundaries kahit pa i-push ang sarili.
Puwede naman ang mga extreme na bagay, okey lang basta kung nasa tamang oras, amount, at okasyon. Pero kung ginagawa na lang itong karaniwan at patuloy na nakasasanayan hanggang maging bahagi na ng buhay, ito ay nagiging mapanganib nang practice. Puwedeng nakikipaglaro na sa apoy o scarecrow at kahit ang paligid o parte na ng kultura ang nagdidikta na magtrabaho nang mahabang oras, konti lang ang tulog, magwaldas ng pera, at i-stretch pa ang sarili upang magkaroon ng maluhong life style.
Ang ganitong mensahe ay karaniwang mapanganib, nakakasira, at higit sa lahat ay hindi tayo nakadesenyo na mamuhay sa mga extreme na activities na naka-schedule sa kalendaryo, sobrang gastos, patayan na trabaho, obsess sa physical health, extreme rin ang interest at hobbies.
Kaya nga mas maikli na ang buhay ng tao ngayon dahil nagkukumahog sa kung ano. Ang ending ay lumipas na ang panahon at hindi na na-enjoy ang buhay kasama ang pamilya.
Hindi masama ang magtrabaho at maging busy, pero lahat ay may hangganan lamang ng sapat na oras. Ang araw ay ginawa para kung kailan dapat magtrabaho. Pagdating ng gabi ay oras para magpahinga upang makapag-charge ng lakas sa kinabukasan. Anoman ang sobra ay mali at madalas ay maghahatid sa iyo sa maagang hukay ng iyong buhay.