Pinagsamang balat ng citrus at yogurt

Mayaman ang orange peel o balat ng orange sa vitamin C at mainam din ito sa kutis bilang skin tonic.

Mayroon namang ma­jor role ang yogurt sa pagpapakinis ng kutis. Nilalabanan nito ang discolorations at iba pang senyales ng pagtanda tulad ng pagkulubot ng kutis at pag-apir ng fine lines. Pinalalambot din ng yogurt nang mabuti ang balat sa mukha.

Sa face mask na ating gagawin, dalawang ingredients lang ang kakaila-nganin, ito ang yogurt at balat ng orange.

Pagkatapos kainin ang orange, ilagay sa grinder ang balat nito at durugin nang pinung-pino. Ilagay sa papel ang nadurog na balat ng prutas at patuyuin sa araw. Kung tag-ulan ay maaari naman itong patuyuin sa microwave.

Ihalo ang nakuhang powder sa yogurt hanggang sa makabuo ng smooth paste. I-apply ito sa mukha at ibabad ng 20 minuto. Pagkatapos ay banlawan gamit ang malamig na tubig. Gawin ito bago maligo.

 

Show comments