Para sa mga nagbabalak mabuntis

Kung gusto nang magka-baby, narito ang mga bagay na dapat gawin para maging successful sa inyong binabalak, ayon sa webmd.com.

Natalakay na natin ang pagdadagdag o pagbabawas nang malaki sa iyong timbang. 

Iwasan ang sobrang exercise

Hindi healthy ang laging nakaupo at nakahiga, pero kung balak nang magkaanak; iwasan ang matinding exercise.

Ang matinding exercise ay maaaring makapagpabago ng hormones para mahirapan ang ovaries na mag-release ng eggs.

Kung laging matindi ang ginagawang running, aerobics, at swimming ay mahihirapang magbuntis kahit ikaw ay nasa healthy weight.

Ngunit kung ikaw ay overweight, makatutulong ang moderate exercise para lumaki ang tsansang mabuntis.

 Sa pag-aaral, ang sobrang exercise ay nakakaapekto sa fertility.

Maaaring ang masiglang exercise ay puwedeng ma-improve ang fertility sa mga obese na babae, pero may negatibong impact sa fertility sa mayroong normal ang weight. 

Ang sobrang active na ehersisyo na inaabot ng apat na oras o higit pa ay nakababawas ng fertility.

 Kaya importante ang moderate exercise lang na less than ng limang oras na nagpapaganda ng fertility.

Show comments