Para sa mga nagbabalak Mabuntis

Kung gusto nang mag­ka-baby, narito ang mga bagay na dapat gawin para maging successful sa inyong binabalak, ayon sa webmd.com.

Magdagdag o magbawas nang malaki sa iyong timbang. Kung masyado kang mabigat, kailangang magbawas ng mas malaki sa weight, kung masyado kang payat, kailangang magdagdag nang malaki sa timbang para lumakas ang tsansa na mabuntis.

Kung sobrang payat kasi at o sobrang taba, na­giging sanhi ito ng irregular na menstrual cycle at kung hindi ka dinadatnan, hindi nag-o-ovulate.

Kapag walang egg naman nai-release, walang ipi-fertilize ang egg na siyang magiging baby.

Minsan kasi ang pagbabago ng timbang  ay naka­kaapekto sa hormone levels na nagiging sanhi ng infertility.  Ang obesity naman ay nagiging dahilan para makunan, nagkakaroon ng Gestational diabetes na nangyayari lamang kapag buntis, Preeclampsia o kaya naman ay napa­kabigat o malaki ang baby o kaya naman nagkakaroon ng birth defects.  - (ITUTULOY)

Show comments