Ibon na galing sa salitang bobo ang pangalan, ‘di dapat ismolin

Isa sa mga hayop na matatagpuan lamang sa isla ng Galapagos na bahagi ng Ecuador ay ang booby, isang klase ng sea bird.

“There are about 20,000 breeding pairs of blue-footed boobies, the most common type of booby in the Galápagos,” ayon kay Fernando Diez, marketing manager ng Quasar Expeditions.

Agad na makikilala ang mga booby dahil sa kanilang kulay asul na mga paa dahil sa carote­noid pigments na nakukuha nila sa mga isdang kanilang kinakain.

Ayon din kay Diez, nagmula ang pangalan ng kakaibang ibon na ito sa Spanish word na bobo, na kapareho rin ang ibig sabihin sa wikang Filipino.

Parang palagi kasing nagkakamali ang galaw ng ibon na ito kapag nasa lupa. Ganun pa man, hindi pa rin sila dapat ismolin dahil kaya nilang mag-dive ng hanggang 80 feet sa dagat.

Show comments