Dear Vanezza,
Naghiwalay kami ng GF ko dahil mayroon siyang split personality na hindi ko nakayanan. Kahit dalawang taon na kaming hiwalay at nasa ibang bansa na siya ay stoker ko pa rin siya kahit sa Facebook na kung anu-ano ang sinasabi. Tinanong ko siya, sabi niya ay hindi raw siya yun. Ipa-block ko raw at i-report sa police ang account, pero nagbabalak siyang umuwi ng ‘Pinas at gustong makipagkita sa akin uli. Ano po ang gagawin ko? – Mr. Power
Dear Mr. Power,
Iwasan ang iyong ex-gf na ngayon pa lang ay nagbibigay muli sa iyo ng problema. Huwag pumayag na muli siyang maging parte ng iyong buhay. Tama na i-block ang kanyang account at i-report sa pulis para in case ay may patunay na may record na siya ng panggugulo muli sa iyo.
Sumasainyo,
Vanezza