Komedya sa buhay ng mag-asawa

Ang mga mister na mahusay magpatawa, napapatingin na lamang si misis na napapaikot ang mga mata na sinasabing walang problema sa sense of humor nito na kailangan naman talaga minsan.

Pero ang wish at gusto ng mga mommies ay isang lalaki na magsisilbing great leader ng kanilang mga anak at tahanan. Pero ewan, ang mga lalaki ay magaling magbitaw ng punch line na kahit sa punto na naiiyak na ang asawa ay napapangiti pa rin nito si misis. Kaya imbes na mauwi sa maraming pagtatalo na at least ang pamatay na jokes ni mister ay sapat na pangbasag sa malulungkot na araw. Hindi kumpleto ang araw ni mister kapag hindi nagbitaw ng kanyang joke o kuwento.

Napapaisip pa sana si misis na imbes na magalit ay napapagaan na rin ang kanyang araw. Ang pagtawa maging sa ating sarili ay healthy na nagbibigay ng pagkakataon na kahit minsan ay maging flexible na makawala sa mga seryosong bagay dahil ang buhay mag-asawa ay hindi naman madali.

Dapat ipagpasalamat ng mga misis na may sense of humor si mister na nakatutulong na magkaroon pa rin ng koneksyon kahit sa mga seryosong bagay. Upang makapag-relax kahit sa stressful na relasyon ng mag-asawa. Mas lalong magkaroon ng intimate ang paligid, sa halip na magbangayan, magpintasan, at mag-away na nakakaiyak dahil nagkakaroon ng pader sa pagitan nina misis at mister.

Maaaring maraming problema at mahirap ang sitwasyon, pero huwag kalimutan na maging creative sa pag-aayos ng problema. Kailangan lang ng konting komedya, jokes, at kilitian upang kahit paano ay mabahagi pa rin ang saya at adventure ng inyong pagsasama.

Show comments