Ayaw maging instant mommy

Dear Vanezza,

Nanliligaw sa akin ang ka-officemate ko. Type ko sana kahit 10 years ang tanda sa akin, ang problema ay may tatlo siyang anak na naiwan nang namayapa ­niyang misis. Pero hindi ko pinangarap na maging instant nanay. Hindi ko carry na mag-alaga at problemahin ang tatlong anak niya. Tama ba ako? – Jhing

Dear Jhing,

May choice ka naman na tanggihan ng maayos ang manliligaw mo. Puwedeng maghintay ng tamang lalaki na binata basta ba may magandang trabaho. Para sakaling magkatuluyan kayo at magkapamilya at least magkakaroon ka ng sariling anak. Gaya ng pinapangarap mo. Kaysa nga naman na patusin ang ka-officemate mo baka hindi mo pa makasundo ang mga anak niya. Madalas na pinagsisimulan ng mga step-mother.

Sumasainyo,                                                                           

Vanezza

Show comments