“Kung wala ka naman itinatago bakit ka mag-aalala kung sakaling i- check ang cell phone mo.
Kalimitan kapag ayaw ipahawak ang smart phones ibig sabihin may kalokohan yung partner mo ‘di ba? – Josie, Malabon
“Sa akin walang problema na i-check ang cp ko para hindi magdududa ang mister ko. Para walang away.
Naku nung time na sabi ko lagyan ko ng ibang apps yung cp ng asawa ko. Aba, ayaw siya na lang daw. Kapag may kausap sa telepono ay lumalayo. Kung ganung style magduda ka na dahil sign na yun na may milagrong ginagawa si mister o dyowa mo. – Mike, Pampanga
“Sa amin walang kaso na hawakan ang cp ko ng mister ko. Pero panay ang tsek niya kung sino ang ka-text o ka-chat ko sa messenger ko. Kahit ba mga classmates ko lang.” – Jasmin, Makati
“Bakit kasi kailangang i-check ang CP ng iba kahit pa BF mo. Bigyan natin sila ng privacy. Kung unfaithful ang BF lalabas din naman ang katotohanan. Bibigyan mo pa ng stress at problema sarili mo.” – Chel, Kawit
“Kadalasan kahit i-check ang CP ng dyowa hindi mo alam dalawang sim card ang ginagamit para hindi ma-trace ang number ng ka-text nito.” – Tin, Manila