Mister nabola ng ka-chat

Dear Vanezza,

Isang seaman ang mister ko, pero may nakilala siyang babae na ka-chat nito. Nabola siya ng mas may batang edad kaysa sa akin. Ang problema ay ayaw na niya kaming kasama ng dalawang anak niya. May habol pa ba ako? – Weng

Dear Weng,

Ikaw ang legal na misis kaya malaki ang habol mo. Huwag mong hayaan na mawasak ang inyong pamilya. Puwedeng pumunta sa kanyang agency upang malaman ang kanyang ginagawa na maaaring i-hold ang kanyang suweldo para sa inyong pamilya. Baka sakaling magbago ang kanyang desisyon at magising sa katotohanan na siya ay pamilyadong tao.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments