Lahat siyempre ay gustong maging milyonaryo o kahit yumaman lang ng konti. Sa malas, ang mga tao ay hindi alam kung saan magsisimula. Masosorpresa na malaman na puwedeng maging mayaman sa sariling paraan.
Kailangan lamang ma-visualize ang daan kung paano makamit ang goals at kung paano mas pararamihin ang iyong perang pinapangarap.
Ano nga ba ang mga hakbang para maging milyonaryo? Ang totoo, walang short cut dahil lahat ay nagsisimula na isulat muna ang lahat ng kanilang ideas kung paano palaguin ang inyong pera. Magkaroon ng oras na mag- relax at magmuni sa iyong financial goals. Magkaroon ng projection kung hanggang saan puwedeng dalhin ang iyong financial goals. Pag-aralan mabuti ang pasikut-pasikot na problema ng iyong negosyo. Upang matutunan ang mga tamang method sa iyong business.
Higit sa lahat ay matutong mag-ipon hanggang maging milyon ang pera mo. Ang simpleng pag-save ng pera araw-araw ng kahit sino ay puwedeng maging self-made na milyonaryo.