Nunal sa Noo
1—Babaeng may nunal sa gitna ng noo: Makakamit ang pinapangarap sa kabila ng mga pagsubok.
2—Lalaking may nunal sa gitna ng noo: Aangat ang kabuhayan ngunit mainitin ang ulo.
3—Babaeng may nunal sa kanang bahagi ng noo: Malaki ang pag-asang yumaman.
4—Lalaking may nunal sa kanang bahagi ng noo: Yayaman pagsapit sa edad na 30 o pataas.
5—Babaeng may nunal sa kaliwang noo: Mabait, may dignidad at may magandang asal.
6—Lalaking may nunal sa kaliwang bahagi ng noo: Makakaranas ng paghihirap sa panahon ng kanyang kabataan ngunit giginhawa ang buhay kapag senior na siya, 60 pataas. Magkakaroon ng mabubuti at successful na mga anak.
- Latest