Emotional awareness ng anak
Ang power ng positive thinking ay popular na idinidikdik ng therapist sa mga indibidwal. Karamihan sa mga adult ay nakauunawa kung paano mag-isip sa isang sitwasyon na puwedeng magbago sa mga nararanasan.
Pero paano sa mga bata? Kailan at paano nila malalaman ang koneksyon sa pagitan ng iniisip, nararamdaman, at ang karanasan.
Sa pag-aaral, ipinapakita ang awareness sa early childhood at maturity ay inaabot pa ng ilang taon. Sa edad na 3-4 na taon ng bata ay nakakaalam na ito ng emosyon sa maraming tipikal na sitwasyon. Alam ng mga bata na ang birthday parties ay happy times at kapag napapagalitan ay nalulungkot ang mga bagets.
Pagtungtong nito ng 5-6 years old ay tumataas ang awareness ng kanilang koneksyon sa pagitan ng pag-iisip at sa nararamdaman nito. Sa edad na 7 years old ay nakakaintindi na ang mga bata na ang mga tao ay puwedeng ma-interpret ng parehong sitwasyon sa maraming paraan.
- Latest