Wishful thinking ng mga tao
Madali lamang mag-wish para sa isang bagay para sa wealth, kalusugan, at sa trabaho. Maraming tao ang naghahangad na manalo sa lotto kaya mahaba ang pila sa mga outlet sa wish na maging milyonaryo.
Madalas ay isa lamang itong wishful thinking na iniisip ay puwedeng mangyari o hindi. Malaki ang pagkakaiba ng wish at desire. Ang wish ay hinahangad na okey lamang sa tao na kung mangyari o hindi ang kanyang pinapantasya. Kaya madalas sinasabi ng mga teacher o nanay na nanaginip na naman ng gising ang kanilang estudyante o anak.
Samantalang ang taong may “desire” ay mas malalim ang pagnanasa na maisakatuparan ang kanyang pinapangarap. By hook or by crook ay gagawa siya ng paraan upang maabot ang desire ng kanyang puso.
Ang wishful thinking ay puwedeng magkaroon ng gusto na yumanan o gumanda ang pangangatawan, pero wala namang effort o plano kung paano ito mangyayari. Kaya ang wish sa buhay ay palayo at naglalaho lang imbes na matupad.
Kakaiba sa milyonaryo na hindi lang basta nag-iisip kung ano ang kanilang gusto, kundi committed na gagawin ang mga ito.
Ang mga mayayaman ay committed na manatili kung paano mangyayari ang kanilang goals na hindi lang basta nag-wish.
- Latest