Ang pagkakaiba sa pagitan ng pagtatanong ng milyonaryo at ordinaryong tao ay banayad, pero mahalaga kung paano hahamunin ang kanilang kalagayan.
Pero imbes na empowering na tanong ang i-entertain ng ordinaryong indibidwal kung ano sana ang puwedeng gawin sa mga problema, pinanghihinaan ng loob na iniisip agad na walang magagawa na madalas na sagot ng mga karaniwang tao.
Ang mga milyonaryo ay sinusubukan ang mga empowering na tanong upang matulungan na maabot ang kanilang full potential.
Ang mga questions na puwedeng itanong sa sarili ay magsisilbing determinasyon upang maabot ang mga goals at pangarap nila sa buhay.
Kung paano nga ba i-frame ang sitwasyon ay nagbibigay ng impormasyon kung paano rin iha-handle ang mga balakid na problema.
Ganyan mag-isip ang mga milyonaryo na mas creative higit pa sa pagiging reactive o positibong mag-isip kung paano i-challenge ang kanilang sarili. Hinaharap ang lahat ng hamon para magpokus kung paano magkaroon ng direksyon ang kanilang future.